LAOAG CITY – Inamin ng isa sa mga Grand Finalists ng Bombo Music Festival at composer ng kantang “Chat Box” na biktima ito ng depression at may mental health issue.

Subalit sinabi ni Kent Lemuel Espaltero, taga Oton, Iloilo, hindi ito naging hadlang para tuparin ang mga pangarap niya kung saan isa na rito ang makilala ang ginawa niyang kanta para sa kanyang “first love” kahit hindi sila nagkatuluyan pero nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon.

Ayon kay Espaltero, umaabot na sa 15 kanta ang nagawa niya para sa first love niya pero ang “Chat Box” ang napili niyang isali sa Bombo Music Festival.

Sinabi pa ni Espaltero na ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa song writing competition dahil naging inspirasyon niya ang pagkapanalo ng mga ilan niyang kaibigan unang edition ng Bombo Music Festival.

Hinggil dito, sinabi ni Espaltero na siya rin mismo ang aawit sa kanyang ginawang kanta at nagbigay pa ng sample.