LA UNION – Hindi maipaliwanag na kaligayahan ang nararamdaman ngayon ng 1 sa 12 finalist ng Bombo Music Festival 2019 sa pagkakapili sa kanta nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay Charmine Garay ng Unka 1, Pavia Ilolo, ibinahagi nito na dahil sa mga kabiguan naranasan ng kanyang mga kaibigan ang naging inspirasyon niya upang isulat ang kanta.

Aniya, sinumulan niyang gawin ang “Sabi Mo Sa Akin” noong taon 2004 at dahil sa ilang kadahilanan ay 2014 na nito natapos ang kanta.

Sinabi nito, taon 2015 ng mairekord ang kanyang kanta at nabigyan naman ng pagkakataon na maisama ito sa song writing contest ng Bombo Radyo.

Sa kabilang banda, hinikayat nito ang mga tao na ipagpatuloy ang pagsusulat ng kanta at dahil dito ay makikilala rin kinalaunan at makakapabigay ng inspirasyon sa iba.