BMF WINSET JACOT

DAGUPAN CITY – Hinikayat ng isa pa sa mga 12 pumasok na finalists sa 3rd national Bombo Music Festival (BMF) 2020 ang mga composers na ibahagi nila ang kanilang talento.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Winset Rose Jacot ng Cagayan De Oro at composer ng awiting “Kung mahal mo siya” sinabi nito na sana ibahagi rin ng may ganitong talent ang mga kantang kanilang nilikha.

Aniya, simula kasi noong high school pa lamang ito ay gumagawa na siya ng awitin subalit kamakailan lamang sinubukang sumali sa mga kompetisyon.

Samantala, ang kaniyang awiting “Kung mahal mo siya” ay nagpapaalala naman sa mga taong nagmamahal ng may mahal ng iba na palayain na ang mga ito lalo at pag-ibig aniya ay hindi makasarili.

Kung maaalala, nakapasok din sa finals ng nakaraang BMF 2019 ang komposisyon nito na “Pagod na akong makihati.”