WINSET JACOT BMF
Singer and composer Winset Rose Jacot

CAGAYAN DE ORO CITY – Labis na kasiyahan ang nararamdaman ng magkapatid na singer at composer mula sa Cagayan de Oro matapos silang mapalad na makapasok sa Top 12 finalists ng 3rd National Bombo Music Festival na gaganapin sa January 11, 2020 sa Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Winset Rose Jacot na hindi siya makapaniwala na muli siyang makapasok bilang finalist sa prestihiyosong patimpalak lalong lalo na naging finalist rin siya sa BMF 2019.

Napili si Winset mula sa mahigit 700 mga entries na ipinasailalim ng screening committee ng 3rd National Bombo Music Festival dahil sa kanyang piyesang may pamagat na “Kung mahal mo siya.”

Sinabi naman ng kaniyang kapatid na si Kieza Jacot-Velez na nagmula sa kaniyang personal na karanasan ang naging inspirasyon ng kaniyang awitin na “Okay na tayo.”

Aniya, isang hugot song ang kaniyang komposisyon na magbibigay inspirasyon sa lahat ng mga taong mayroong matamis at mapait na karanasan sa pag-ibig.

bmf KEZIA VELEZ
Ms. Kieza Jacot-Velez during the 2nd National Bombo Music Festival