Composer's Profile
Babalik-balikan
Words, Music and Arranged by Niño Mas
Written 2014
The song is about love, imagination and determination. Love at first glance; imagining yourself in a romantic situation with someone you meet once by chance and pursuing that love.
The most exciting relationship is the one that you cannot have. Pagmamahal na hanggang tingin lang, pero ang imporante nandun ung salitang pagmamahal. Para patunayan ung pagmamahal na un, babalik-balikan mo sya.
LISTEN:
LYRICS
BABALIK-BALIKAN
Verse I
Di sinasadya’ng mga mata ay nagtagpo
At bigla na lang napalapit ang aking puso
Sinuklian mo ng ngiti ang aking ngiti
At ang dibdib ko ay di na napakali
Pre-chorus
Nagising, nagising ang matagal nahimbing
Nagising, nagising ang aking damdamin
Kaya’t ako’y aasa na rin
Chorus
Babalik-balikan kita
Hindi pa iyon ang huli nating pagkikita
Marami pang nais malaman
At may’ron ding nais ipaalam
Kaya’t babalik-balikan kita
Verse II
Kung alam mo lang ikaw ang syang naging dahilan
Na ang umibig ay muli kong natutunan
Malamang maya’t maya ako’y nandyan na naman
‘Pagkat pangarap ko’y muli’t muli kang mamasdan
Pre-chorus II
Di ko man maamin ang aking damdamin
Ay alam ko naman na alam mo na rin
Kaya’t ako’y aasa na rin
Chorus
Babalik-balikan kita
Hindi pa iyon ang huli nating pagkikita
Marami pang nais malaman
At may’ron ding nais ipaalam
Kaya’t babalik-balikan kita
Babalik-balikan kita
Hindi pa iyon ang huli nating pagkikita
Marami pang nais malaman
At may’ron ding nais ipaalam
Kaya’t babalik-balikan
Babalik-balikan kita
Hindi pa iyon ang huli nating pagkikita
Hangga’t hindi mo pa itinatanong ang pangalan ko
Babalik at babalikan
Babalik at babalikan
Babalik at babalikan kita
Babalikan kita
Babalikan kita
Babalikan kita