DAGUPAN CITY – Balak ng isa sa mga nakapasok sa 12 Finalists ng Bombo Music Festival 2019 na magpatayo ng sariling music o recording studio sakaling manalo sa kompetisyon.

Sinabi ito ni Jessan May Mirador, na tubong Sta. Barbara, Pangasinan, at may gawa ng awiting “Taken na si crush” sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay Mirador, ilalaan niya sa pagpapagawa ng music o recording studio ang kanyang mapapanalunan sakaling siya ang makakuha ng isa sa tatlong major prizes ng Bombo Music Festival 2019.

Ayon sa 30-anyos na dalaga, ang kwento ng kanyang kanta ay tungkol sa isang babae na mayroong crush ngunit kalaunan ay napag-alaman nito na hindi na na pala ito single.

Ayon kay Mirador, madalas niyang marinig sa kanyang kaibigan at ibang tao ang katagang “taken na si crush” kung kaya’t naisipan nitong gawan ito ng kwento.

Samantala, payo naman nito sa mga nangangarap din sa larangan ng musika na ugaliin ang pagsusulat.