LEGAZPI CITY — Personal na hugot umano ang inspirasyon ng isang Davao songwriter sa kanyang entry na pasok sa Top 12 Finalists ng Bombo Music Festival 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi pay Regine Tok, ikinwento nito ang istorya sa likod ng awitin na “Mahal Ka ng Mahal Ko,” kung saan ibinase raw niya sa dinanas na pagasa sa isang lalaki na may iba ring iniibig.

Aminado ang songwriter na hindi niya inakalang makakapasok ang entry dahil high school pa siya nang mangyari ang naturang yugto.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang dalaga sa kanyang mga ka-banda na tumulong sa paglapat ng tono sa kanta.

Sa ngayon plano raw ni Tok na makasama ang dalawa niyang bandmates sa performance night ng Bombo Music Festival sa January 2019.