Bombo Music Festival
Bombo Music Festival

ROXAS CITY – Ipinagbubunyi rin ngayon ng lalawigan ng Capiz ang pagkakabilang ng kantang ‘Break’ sa Top 12 finalists ng Bombo Music Festival 2020.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Lindy Catequista ng Magsaysay Village, La Paz, Iloilo City na co-composer nito ang music teacher mula sa Cuartero National High School na si Ramie Capuyan ng Barangay Maindang, Cuartero, Capiz.

Ayon kay Catequista na nabuo nila ang kanta kasama rin ang kaniyang mister na si Marty Catequista sa workshop sa Iloilo City.

Inihayag nito na binigyan nil ang ‘twist’ ang salitang ‘break’ na kalimitang inaangkop sa mga kwento ng pagkasira ng relasyon.

Mensahe aniya ng kanta ay ang pagpahinga sa paggamit ng social media lalo na sa mga kabataan ng makabagong henerasyon.

Nabatid na ang Capizeño na si Capuyan ay composer rin ng school hymn ng Cuartero National High School at theme song ng Hinugyaw Festival ng kanilang bayan.

Sa ngayon ay naghahanda na sina Catequista at mga co-composers nito at umaasang makuha ang kampeonato sa Bombo Music Festival 2020.