ILOILO CITY – Alay umano ng isa sa mga grand finalists ng Bombo Music Festival 2019 ang kanyang komposisyon na “Chatbox” sa kanyang dating kasintahan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Kent Lemuel Espaltero, tourism student ng Oton, Iloilo, sinabi nito na sinulat nito ang nasabing kanta upang ipaabot sa mga nabigo sa pag-ibig na hindi pa huli ang lahat upang muling bumangon at magmahal muli.
Masakit man umano ang kanyang pinagdaanan sa pag-ibig, ngunit sa halip na saktan ang sarili, ginawa nitong inspirasyon ang kanyang pagkabigo upang gumawa ng kanta.
Ayon kay Espaltero, hiniling nito sa Diyos na mapili ang kanyang kanta sa Bombo Music Festival.
Napag-alaman na ito ang unang pagkakataon na sumali si Espaltero sa patimpalak ng Bombo Radyo at Star FM.
Ibinahagi rin ni Espaltero na dalawang taong pa lamang umano ito ng natutong kumanta at ng 12 taon na ito, pormal itong nag-aral ng pagkanta at nagsimula na sa pagsali sa mga patimpalak.
Napag-alaman na si Espaltero ay gold medalist sa 21st World Championships Of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Long Beach California, USA.