LA UNION – “Pangako ng habang buhay na pagmamahalan”.
Ito ang naging inspirasyon para kay Chris Givenchi Edejer ng Bajada, Davao City upang mabuo ang kanta na inaalay nito sa kanyang asawa.
Ayon kay Edejer, taon 2016 bago ang kanilang 8th wedding anniversary ay ginawa nito ang kanta upang i-suprise ang kanyang asawa.
Aniya, unexpencted na masali at mapasama pa sa 12 Finalist ng Bombo Music Festival 2019 ang kanyang kanta kahit pa nga hindi ito pinalad noong nakaarang taon.
Samantala, nagpasalamat ito sa Bombo Radyo sa pagbukas ng pintuan sa kanila at hinikayat ang mga kapwa composers na huwag mawalan ng pag-asa dahil darating din ang panahon na ang mga kanta nila ay mapapakinggan.
Hiningi na rin nito ang suporta ng publiko para sa kanyang kanta “Hangga’t Ako’y Nabubuhay”.