BAGUIO CITY – Naging inspirasyon sa isang singer sa lokalidad ang mga naranasan niyang hirap para mabuo niya ang kantang pinamagatang “Ganito” na nakapasok sa Top 120 ng Bombo Music Festival.

Ayon kay Jon Sawac mula sa La Trinidad, Benguet, hindi maiiwasang manghina ang loob ng isang indibiduwal dahil sa mga nararanasan nitong kabiguan sa buhay.

Sinabi niya na walang pinipili ang pagsubok dahil dumarating ito anuman ang estado ng buhay ng isang tao kahit na sa mga mamayaman.

Gayunman, nagtitiwala si Sawac na mararating niya ang tagumpay sa tamang panahon.

Sa ngayon ay aktibo sa Sawac sa pagkanta kasama ang isang lokal na banda at aktibo rin ito sa pag-awit sa isang simbahan.