LA UNION – Masayang ikinuwento sa Bombo Radyo La Union ni Geraldine Therese Lim, isa sa 12 finalist ng Bombo Music Festival (BMF) 2019, kung paano niya binuo ang kanyang awitin na “Ikaw na”.

Ayon kay Geraldine, na dating overseases Filipino worker (OFW), ang naranasan nitong mga pagsubok sa buhay tulad nga pagkalugi sa negosyo dahil sa panluluko ng kasosyo at pang-iiwan sa kanya ng kanyang minamahal ang naging inspirasyon upang mabuo ang naturang awitin.

Sinabi ni Geraldine na bumili ng keyboard ang kanyang kapatid bilang regalo sa kanya para magawan daw ng tono ang kanyang awitin.

Ginawa raw niyang masaya ang mga salitang binibigkas sa kanyang kanta lalo na noong nakakilala raw siya ng bagong minamahal.

Halos hindi makapaniwala si Geraldine na nakapasali ito sa finalist ng Bombo Music Festival dahil dati ay hindi naman ito marunong tumugtog ng keyboard o magsulat ng awitin.