Iloilo City- Pasok ang mag-asawang Martin at Lindsay Catequista sa Semi Finals ng Bombo Music Festival 2020.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Martin Catequista ng Magsaysay, Lapaz, Iloilo City at composer ng awiting “Lipad” na isa sa mga semi finalist sa Bombo Music Festival 2020 sinabi nito naging bonding na nilang mag-asawa ang pagsusulat ng kanta at naging parte na din ito ng kanilang buhay.
Napag-alaman na pasok rin sa Semi finals ng Bombo Music Festival 2020 ang kanyang asawa na si Lindsay Catequista na composer ng awiting “Break” na nagsilbing inspirasyon ang pagkahilig ng mga kabataan sa henerasyon ngayon sa gadgets na nakakaapekto na rin sa kanilang pag-aaral.
Samantala positibong pananaw sa buhay ang mensaheng nais ipaabot ng kantang pinamagatang “Lipad” na isinulat ni Martin Catequista na isa ring guro sa Fort San Pedro National High School at kinanta nilang mag-asawa.
Ayon kay Martin, namana nya sa kanyang mga magulang ang kanyang pagkahilig sa musika at pagsusulat ng kanta.
Ani ni Martin, nagsilbing inspirasyon sa kanyang awitin ang mga negatibong pangyayari na pinag daanan nya sa buhay.
Dagdag pa nya dapat maging positibo lang tayo sa buhay sa kabila ng mga unos na dumadaan.
Labis naman ang tuwa ni Martin na mapabilang sa semi finals ang komposisyon nilang mag-asawa dahil ito ang unang beses na sumali sila sa Bombo Music Festival at umaasa sya na makapasok silang dalawa sa top 12 ng Bombo Music Festival 2020.