DAVAO CITY – Lubos na kasiyahan ang nadama ni Rigine Tok, 20, residente ng Block 18, Lot 8, Mabolo St., Green Meadows, Mintal, Davao City na sumulat sa awiting “Mahal Ka ng Mahal Ko” matapos na makapasok siya sa finals.
Sa panayam kay Regine, napag-alaman na nag-aaral pa ito sa kasalukuyan sa Ateneo De Davao University at kumukuha ng kursong Finance.
Nabatid na magmula noong siya ay high school pa lamang, kasapi na raw sa isang banda na may limang miyembro si Regine na nagngangalang “Cuerdas.”
Madalas umanong tumutugtog sila sa mga fiesta at iba’t ibang contest sa Davao.
Ang kanyang mga kasama sa banda rin daw ang tumulong sa kanya sa arangement ng kanyang awitin na isinumite sa Bombo Music Festival sa susunod na taon.
Kinabahan umano sila nang malaman na umabot sa 700 ang nagpadala ng mga entries mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Gayunman, nang malaman sa Bombo Radyo Davao na pasok siya bilang finalist sa naturang kumpetisyon, mas lumakas daw ang kaba na kanyang naramdaman.