KORONADAL CITY – Nagsilbing inspirasyon ng isa sa Top 12 finalist ng Bombo Music Festival 2019 sa paggawa ng kanyang magandang komposisyon ang karanasan ng mga mahihirap na mamamayan na nakaratay sa isang ospital sa Legazpi City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Eugenio Corpus III, ng Bañaderos St. Legazpi City, sinabi nitong palagi raw siyang nakatambay sa isang ospital kung saan nagtatrabaho ang kanyang tiyahin.
Sa hardin naman daw ng ospital niya ginawa ang awiting Heal Me, at ang mukha ng mga pasyenteng naka-confine doon at ang sitwasyon ng ospital ang nagsilbing inspirasyon niya para rito.
Laking tuwa naman nito na napabilang ang kanyang komposisyon sa mga grand finals ng nasabing kompetisyon.
Ang Bombo Music Festival 2019 ay isang malaking oportunidad sa kanya lalo na at maibabahagi nito ang kanyang talento.