Bombo Music Festival
Bombo Music Festival

DAGUPAN CITY- Hindi lubos makapaniwala ang isang Dagupeña na mapabilang siya sa mga semifinalists sa Bombo Music Festival 2020.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Yvonne Cruz, 18 anyos, tubong Dagupan city na first time niyang sumali sa Bombo Music Festival.

Ang kanyang komposisyon na “Nasaan” ay patungkol sa sinulat niyang kuwentong buhay pagibig.

Nakahiligan na daw niyang gumawa ng kuwento hanggang sa sinimulan na rin niyang lumikha ng mga kanta hanggang sa maging parte na ng kanyang buhay.