Bombo Music Festival
Bombo Music Festival

ROXAS CITY – Nakasentro sa ‘against all odds’ relationship ang kantang ‘Answered Prayer’ na isa sa napiling semifinalist para sa Bombo Music Festival 2020.

Ito ang inihayag ng Capizeña composer na si Cel Shama Cabarles, ng Mckinley Ilaya, Roxas City nang makapanayam ng Bombo Radyo Roxas.

Ayon kay Cabarles, halos limang taon nang nakatago ang kaniyang komposisyon na mula sa isang tula ay ipina-arrange nito sa kaniyang partner na isang music teacher.

Aniya malapit sa kaniya ang naturang komposisyon dahil naglalarawan ito ng kaniyang personal na karanasan sa pag-ibig.

Nais umanong ipaabot ng naturang kanta na ang isang magandang ‘love story’ ay dumadaan sa isang proseso.

Batid ni Cabarles na marami ang makaka-relate sa naturang kanta dahil kwento ito ng pag-ibig na nagsimula sa pagiging magkaibigan.

Labis ang pasasalamat ni Cabarles matapos mapabilang sa mga semifinalists at umaasang mapabilang sa Top 12 grand finalists ng Bombo Music Festival 2020.