BMF 2020

BUTUAN CITY – Hanggang ngayo’y hindi pa rin “nagsi-sink in” kay Francis Lazatin Jr. ng Evangelista St., Leonilla Hill, Baguio City na pasok sa 12 finalists ang kanyang kantang “Kung Gusto Mo Ako” dahil parang panaginip pa rin sa kanya ang lahat.

Ito ay lalo na’t siya mismo ang nakarinig nang ianunsyo ito sa live broadcast ng Bombo Network News.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ang 27-anyos na composer na kasama niya sa pag-compose ang kanyang kasintahang si Danica Barsibal.

Ito umano ang nagbigay ng tono at nilagyan din nito ng lyrics kung saan “gist” nito ang assurance na hindi siya makukuha sa mga nanligaw sa kanya sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng rosas at chocolates.

Dahil sa dami ng mga magagandang entries, hindi niya ngayon nilalagay sa isip na siya ang magkampyon sa grand finals ngunit kumakapit pa rin umano siya sa konting pag-asa.