bmf2019

KORONADAL CITY – Mixed emotions ngayon ang nadarama ng isa pa sa mga finalist na kabilang sa Top 12 ng 3rd National Bombo Music Festival 2020 ng Bombo Radyo Philippines.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal sa composer ng kantang “Kung Gusto Mo Ako” na si Francis Lasatin, sabik na umano siyang makapag-perform ng live sa Iloilo City sa susunod na taon.

Dagdag ng 27-anyos na composer, naririyan din ang kaba dahil alam niyang magagaling din ang kaniyang mga makakatunggaling mga composers.

Sinabi nito na naging interpreter niya sa kaniyang kanta ay ang kaniyang girlfriend at umaasa itong marinig sa radyo ang kaniyang orihinal na komposisyon.

Nagpapasalamat din ito sa Bombo Music Festival ng Bombo Radyo Philippines dahil sa pagsasagawa ng naturang kompetisyon na nagbibigay-daan para sa mga local composers na ibahagi sa lahat ang kanilang mga talento.

Ang kantang “Kung Gusto Mo Ako” ay tumutukoy sa mga babae na mabilis umanong mahulog ang kanilang nararamdaman sa isang lalaki.