CAUAYAN CITY- Nagtungo mismo sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan ang isang lolo na may kapansanan para sa kanyang song entry sa Bombo Music festival 2020.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gonzalo Marcos, 57 anyos, hiwalay sa asawa at residente ng Barangay Aggub, Solano, Nueva Vizcaya na sa kabila na malabo ang kanyang paningin ay sinikap niyang mag-compose ng kanta at ipasa sa Bombo Radyo Cauayan.
Nabuo aniya ang kanyang kanta sa palagi niyang pakikinig sa Bombo Gitara na isa sa programa ng Bombo Radyo tuwing araw ng linggo.
Ang mga ginawa niyang mga kanta ay pinamagatang ‘Inpaampon nak ni Inang ko’ at ‘Agpakada kamin KaBombo’.
Simula pagkabata ay mahilig na aniya siyang kumanta at may mga sinalihan na ring patimpalak sa pagkanta.