CEBU CITY – Gulat at hindi pa rin umano makapaniwala ang isang composer nang malamang pasok sa Top 12 finalist ng Bombo Music festival ang kanyang kantang isinulat na pinamagatang EDSA.

Sa naging panayam ng Star Fm Cebu kay Ma. Cristina Joy Balajadia, sinabi nitong first time niyang sumali ng isang songwriting competition.

Ayon din nito na unang pagkakataon rin umano itong magsulat ng kanta at sa hindi inaasahan ay isa ito sa mga masuwerteng napili.

Samantala, may mensahe naman si Balajadia sa mga kagaya nitong gustong magsulat ng kanta.

“Subukan niyo pong sumali. Hindi niyo po malalaman kung kaya niyokung hindi nyo susubukan. Sulat lang ng sulat at sali lang ng sali.”