DAGUPAN CITY – Nais magsilbing inspirasyon ng isa sa mga napabilang sa Top 120 mula sa lalawigan ng Pangasinan ang mensahe ng awiting kaniyang kinatha para sa Bombo Music Festival (BMF).
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Harley Penuliar ng bayan ng Malasique na siyang lumikha ng kantang “Tuloy Lang,” sinabi nito na nais niyang ipaalala sa mga taong may mga pinagdadaanang matinding problema sa buhay na magpatuloy lang dahil ang lahat ng ito ay kanilang malalagpasan.
Lahat naman aniya ng tao ay dumadaan sa matinding pagsubok sa buhay kung saan ang ilan ay agad pinanghihinaan ng loob.
Aniya, problema lamang ito na dapat na hinaharap, sa halip na magpaapekto base na rin sa kaniyang sariling karanasan.
Nagsilbi namang interpreter ng awiting nilikha ni Penuliar ang dalawa nitong choir member.