ILOILO CITY – Hindi makapaniwala ngunit labis ang kasiyahan ng isang finalist mula sa Davao City matapos mapili ang kanyang kantang “Hangga’t Ako’y Nabubuhay” bilang isa sa mga grand finalists ng Bombo Music Festival 2019.
Sa panayam ng Star FM Iloilo kay na si Chris Givenchi Edejer, magiliw niyang ibinahagi na naging inspirasyon niya ang kanyang asawa sa pagsulat ng naturang awitin.
Ginawa niya ang kantang ito taong 2015 upang isorpresa niya ang kanyang pinakamamahal na asawa sa pagdiriwang ng kanilang ika-walong anibersaryo.
Nang dahil sa duda ng kanyang asawa, ito ang nag-udyok sa kanya upang isulat ang awitin “Hangga’t Ako’y Nabubuhay.”
Nagpapasalamat din ito sa Star FM at Bombo Radyo dahil sa binigyan siya ng pagkakataon na maipamalas at ibahagi ang kanyang awitin.
Isa sa mga itatanghal ang kantang “Hangga’t Ako’y Nabubuhay” sa darating na Grand Performance Night ng Bombo Music Festival sa January 12, 2019 sa Central Philippine University Rose Memorial Auditorium, sa Lungsod ng Iloilo.